12 May 2008 | 11:25 PM
Nagpunta ako sa Guiguinto kanina. Ang haba ng byahe! Ni di ko nga alam yung itsura ng pupuntahan ko pero di ko yun piroblema. Nakipag-kwentuhan ako kay Sr. Elisa, OP – yung pinagbigyan ni Bro. Rodel ng number ko, na Dominican Sister of St. Joseph.
Tatlong oras kaming nagkwentuhan na para bang matagal na kaming magkakilala. Masaya! Walang kung anumang pagka-ilang akong naramdaman. Akala ko noong una, hindi na mababago ang isip ko: sa RCM na ako. Ngayon, dalawang-isip na… Haaay…
Anyway, nagkahiwalay kami na isang bilin/panalangin ang iniwan nya: wag ko nang patagalin pa; para
na talaga ako sa bokasyon ito; di na kailangan pang mag-search-in; pumasok na ako sa July 29…
Nung naron pa ako, di ko sinasakyan ang gusto niya. Dapat 2010 pa ako magre-resign. At umalis ako na natatawa at natutuwa.
Pero ngayon lang – sa isa na namang di maipaliwanag na misteryo – para bang kino-confirm ni Lord ang sinabi ni Sr. Elisa. Paano?
“Listen, O daughter, give ear to my words: forget your own people and your father’s house.” Psalm 45:11
Malamang nabasa ko na yan noon. Pero sa lahat ng pagkakataon, sa pagre-recite ko ng Liturgy of the Hours, ngayon lang sya naunawaan.
Habang unti-unti kong napagtatanto, lalo akong nakakaramdam ng pagkamangha, tuwa, pangamba at takot. “Totoo ba ito Lord?” mangha. “Pinipili Mo ako? Sobrang special ko naman…” tuwa. “Paano ang pamilya ko? Iiwan ko sila? Yung mga kaibigan ko? Ang parokya?” pangamba. “Kaya ko ba ‘to?” takot.
Saang anggulo ko man ako tumingin, wala akong makitang ibang direksyon at sagot.
Nililigawan ako ni Lord…
At ang Holy Spirit na mismo ang nagko-coach sa kung ano’ng talagang sagot ng puso ko.
“Inaalay ko ang aking sarili sa Iyo…”

