Kahapon nalungkot na naman ako.
Lunes kasi ng gabi, nagkaharap-harap na kaming pamilya–pinag-usapan ang tungkol sa pagmamadre ko. Maraming tanong si Papa. Ayos lang naman yung mga tanong pero yung paraan niya ng pagsasalita ang nakakasakit. Para bang ipinararating niya na mali ang paraan ko ng pagdedesisyon.
Hello?! Mahirap kaya i-explain.
Kaya yun. Tapang-tapangan ako. Todo explain ako sa paraang nalalaman ko; kahit hindi niya maintindihan.
Kahapon nalungkot na naman ako.
Nag-email si Papa bandang tanghali. Nandon nakadetalye lahat ng nararamdaman niya tungkol sa pagmamadre ko. Iyakan blues kami pareho. First time kong naramdaman na ako ay anak - regardless kung may achievement ako o wala. Hindi naman sa ganun ang turing nila sa akin, pero ganon na ang natatak sa isip ko tungkol sa halaga ko bilang isang anak. Tuloy, nalungkot ako. Mahihiwalay ako sa kanilang ng matagal e…
Tapos nakisabay pa tong mga kutob ko na inis sa akin si Fr. RC. Di ko lang kasi siya boss, SD ko rin siya at kaibigan. Hindi ko sya makausap ng sarilinan–nagmamadali lagi at may lakad–kaya di ko masabi yung mga saloobin ko nang maayos. Nakaka-paranoid. Kaya yun, nalungkot pa ako lalo…
“1 message received.” Nag-flash sa screen ng cellphone ko.
“Hello. How is Jesus in your heart? Praying for your loving perseverance despite challenges. God be with you at all times. Take care.” -Mo. Virginia OP
Energy booster, as in! Bigla akong sumigla! Wooh! Tira-tira! Aja!!! Masaya na naman ako.
Si Lord, high-tech na rin. Gumagamit na rin ng cellphone para magpasaya.
