13 June 2008, Friday | 8:42 PM
Yumayabang na naman pala ako, di ko na namalayan. Buti na lang, to the rescue si Jesus Christ!
Nandito ako ngayon sa Sta. Isabel, Malolos, Bulacan, sa Motherhouse ng Religious Catechists of Mary. Unang overnight ko. ^_^
Very excited ako sa overnight na ‘to. Feeling ko nga, ang bagal ng mga araw–”Ang tagal naman ng Friday!” Pero for some reason, kanina nakaramdam ako ng matinding kaba. Umabot nga sa point na akala ko di na ako pinapatuloy ni Lord dito. Salamat na lang at maraming nananalangin para sa akin. At syempre, dahil mabuti si Lord kaya nandito ako ngayon! ^_^
Mabilis ang byahe: umalis ako sa simbahan 5:15PM dumating ako dito mga 6:15PM. Compared naman sa 3 hrs kong byahe via McArthur, super bilis! Hehe. Ang kamangha-mangha pa e, nang magsabi ako sa mamang driver na ibaba ako sa Sta. Isabel, akalain ko ba namang, naro’n na pala ako! Pwede pa akong lumampas noon! Pero hindi.
Mga 15 mins., nag-usap kami ni Sr. Maria. Around 6:30PM nag-evening prayer na kami. Yung pinaka-aabangan ko na experience sa Franciscan Sisters of the Immaculate (I went there nung Monday – semi-contemplative! Di ko carry! Hehe.), naranasan ko ngayon. Ang Liturgy of the Hours – chanted! Complete with accompaniment ng organ. Pagkagaganda ng mga boses nila! Nakaka-frustrate lang dahil wala akong boses!
Pero, enjoy!
Paano ko nasabing yumayabang na naman ako? Well, sa sobrang excited ko sa pagkwento ko ng aking “kwento”, nawaglit sa isip kong di pareho ang turing sa akin dito at sa OP-St. Joseph. Sa RCM, ako’y simpleng dalagang nagse-search in. Sapul! Special man ako sa paningin ni Lord, I must stay humble. Kababaang-loob, ‘yan ang sinabi ni Sr. Maria habang ine-explain nya na kailangan para makapag-discern ako nang maayos. Maging open ako sa Holy Spirit–maging mababa ang loob at masunurin. Ikalawa!
Sabi ko, “Nakakalungkot nga po–di ako makakanta ng maayos–di ako makasabay sa inyo kanina sa pagkanta.” (Evening prayer ang tukoy.) Sabi ni Sr. Maria, “First time mo pa lang naman, makikinig ka lang muna.” (Ouch! Hehe.)
I need NOT show off di ba?
This, indeed, will be a fruitful stay.
If I were still trying to please men, I would not be a servant of Christ. -Galatians 1:10 (NIV)
Postscript: (17 June 2008, Tuesday | 1:52 PM)
Kinabukasan, nag-morning prayer kami ng 4:30AM, tapos Benediction, then nag-mass si Bishop Cirilo ng 5:30AM. We had breakfast, chatted a little, then may pinagawa ng activity sa akin si Sr. Maria. She made me read the day’s first reading and Gospel, tapos pinasulat niya ako ng reflection ko with regards to my vocation, since related ang reading sa subject na yun. Di ko akalaing sakto sa oras kong matatapos yung pinagawa sa akin. She gave me until 9AM, nandun na ako sa chapel para magdasal at mag-reflect ng 7:30AM. I thought I’d finish early, hindi pala. Amazingly, hindi ako ang sumulat ng reflection ko sa isang long bond paper – back-to-back! I prayed hard to the Lord na manggaling sa Kanya ang reflection ko. Kulang na kulang kasi kung sa sariling utak ko lang manggagaling. Eventually, napakaganda ng naisulat ko. (Makahingi nga ng copy kay Sr. Maria! Hehe.) Thanks to the Holy Spirit!
After that, nag-usap kami tungkol sa sinagot ko. Nakakatuwa ang feedback ni Sr. Maria. ^_^ Tapos kung noong una ay parang medyo keme at tahimik sya, medyo naging ma-kwento rin sya di nagtagal, pero ako pa rin ang mas madaldal. Hehe. She asked me what would make me sad, kasi pansin nya na very joyful ako. Around Tuesday emotional ako kaya malungkutin ako; yun yung sinabi ko pero naisip ko rin ang talagang sagot pagkauwi ko sa bahay:
I have joy in my heart because of Jesus. Ang makapagpapalungkot sa akin ay kung hindi ko magampanan ang purpose na ibinigay Niya para sa buhay ko.
After we ate lunch, we rested for a while tapos pinasagot nya uli ako sa papel. Ang hirap nga e: family history at vocation story right from childhood! Sinubukan ko talagang isulat nang kumpleto pero di kaya ng powers ko! Haay… Kung pinakwento nya, madali pa sana, kaso for the record siya, so kailangan written. At inakala kong mas magaling ako mag-express at mag-kwento through writing? Hindi pala. Hehe.
Then before leaving, nag-jamming kami ni Sr. Maria sa loob ng chapel. Habang tinutugtog nya yung mga magagandang religious songs by Manoling Francisco, pinilit ko namang kumanta. As in pinilit! Amazingly, umayos ang boses ko. (Para lang talaga kay Lord ang boses ko! Hehehehe. ^_^) Super enjoy!!!
Indeed, the overnight was truly fruitful.
Review
The RCM congregation’s focus is on catechesis; all sacraments, for all ages. In the aspect that they teach catechism to children (from both private and public schools), I like that. Actually, they were my first choice; that is what attracted me to them. Pwede na rin. Pero… Kulang kasi… So I’ll “window shop” some more, just so I could confirm my choice. ^_^
