
“Kailan nyo po kakausapin si GC?” biglaang makulit na tanong ko kay Fr. RC. Ayaw ko namang mangulit o ano, pero hindi na kasi ako mapakali. Habang tumatagal, lalo akong naaatat na pumasok na ng kumbento. Lalo na ngayong OK na sa pamilya ko. Kung anu-ano na ngang pinag-iiisip ko sa tagal ng paghihintay.
Sabay bato ni Fr. RC sa akin ng tanong na, “E kelan ka ba aalis? Paano ko sya kakausapin, wala ka pang date kung kelan ka papasok.”
“Ako po ba magbibigay ng date?” Pagtataka kong tanong. (Duh?! May nag-resign na walang binibigay na resignation date?! Yna naman talaga!)
Dugtong pa niya, “Nakapili ka na ba ng papasukan. RCM ba?”
“Sa St. Joseph po; gusto ko sa St.Joseph.” Nakayuko kong sagot. (Nahihiya kasi ako.)
“E hindi ka pa nga nakakapag-overnight sa St. Joseph–” Hindi ko na sya pinatapos.
“Sa July 13 at 14 po ang overnight ko sa kanila.” Sagot ko. Sabay dugtong, “Tapos 15 papasok na ako. Hehe.” Joke lang.
Tapos tinanong ko sya, “Ano po ba ang okasyon pag August; ano pong meron?” Kasi gusto ko pag pumasok ako, may special occasion.
Wala naman sya naisagot agad, kaya sinabi ko na lang, “Kung sakali pong wala, September 8 na lang.”
“Birthday ni Mama Mary? Mainam ‘yon. O sige, sige.” Tumatangong pagsang-ayon niya. “O e di August 15, ite-train mo na si Gladdys.”
“Sige po!” Nagbilin lang ng kaunti, tapos nagba-bye na siya kasi may bibinyagan pa siya sa itaas.
≈ ≈ ≈ ≈ ≈ ≈
Napaisip ako, di kaya parang matagal yung September 8? Sumilip ako sa Catholic Online Saints page para tingnan yung list ng mga banal na may feast day ng August. Minsan kasi nabanggit ko kay Sr. EF OP na in God’s will, we’ll be celebrating our birthdays together (July 29 ako, sya August 25.) Pero when I browsed the dates.. OK sana yung August 22, Feastday of the Queenship of Mary, kaso August 23 is Ana’s birthday, 29th naman is Dondon’s.
Therefore, I am convinced na tama ang date na pinili ko. Kahit binigla ko lang sarili ko sa pagpili… I feel na tama lang ang date na yon. At least I could spend my last month with my family, with 2 birthday celebrations pa. Actually 3, kasama yung birthday ko.
So, Lord, it’s a date! ^_^
