Nag-overnight ako sa kumbento ng Dominican Sisters of St. Catherine of Siena noong nakaraang July 4 at 5, mula Biyernes ng hapon hanggang Sabado ng tanghali. Akala noong una ako lang mag-isa, pero nang makarating na, nalaman ko kay Sr. GS, vocation directress, na may makakasabay pala akong mag-overnight. Secretary rin siya ng parish priest nila, si MM. Ang galing, nagkataon pang pareho kaming parish secretary.
Matapos kumain ng merienda, nag-evening prayer kami sa loob ng opisina ni Sr. GS. Pagkaraan, nag-jamming kami! Nagkataong marunong tumugtog ng gitara si Sr. GS at choir kaming pareho ni MM, kaya ang saya ng kantahan namin. Buti na lang may boses na ako; talagang na-enjoy ko yung jamming. Kung anu-anong magagandang kanta ang kinanta namin. ^_^ Nang makapaghapunan, binigyan kami ni Sr. GS ng overview tungkol sa congregation nila, tapos pinag-share, pinag-drawing at kinilala pa ng maigi. Masaya sana, kaso tinamaan ako agad ng antok, nahalata ni Sr. GS kaya pagdating ng 10:30 ng gabi, umakyat na kami para matulog.
Kinabukasan, morning prayer! Ang galing, kasi old school yung mga upuan ng mga madre, at syempre, nakiupo rin kami. Chanted din ang prayer nila. Nag-morning mass then procession to the garden habang kinakanta namin ang Latin ng Litany of the Blessed Virgin Mary. Ang ganda ng boses ni Sr. FB; ang linis nya mag-alto! ^_^ Tapos bandang 10am, nagkaroon ng Holy Spirit Mass as start of the Formation year. (So that morning pa lang, naka-dalawang misa na ako. Haha.) Nakasama namin sa mass ang mga aspirants postulants at juniors nila. Masaya rin kaso, nahalatang kulang ako sa tulog, hikab ako ng hikab sa misa. Haha. Pero hindi ako natulog no! Kumain kami ng lunch then tumulong ako sa pag-ayos ng Friendster profile ng OP-Siena. As in pinaganda namin. Tuwang-tuwa ang Sr. GS; ilang gabi nyang pinagpuyatan yun. Ngayon ayos na! Posting na lang photos. Habang tinatapos yung pag-upload ng recent photos, umalis na sina Sr. GS patungong Pansol, Laguna para sa kanilang outing/bonding session with the aspirants and postulants. Umuwi na kami pagkatapos ma-upload ng mga pictures.
Ang hirap mapagitnaan ng aspirant na may date na ng pagpasok at ng vocation directress! Haha. August 4 na kasi papasok si MM, si Sr. GS naman panay ang buyo na sumabay na ako. Maski yung iba pang mga madre, pinapapasok na rin ako. Ako naman, hanggang ngisi lang ang maisagot, sabay sabi ng “May isa pa po kasi akong overnight – sa OP-St. Joseph, July 13 at 14.” Pero hindi lang nila alam… Hahaha. At least, I have confirmed my choice. ^_^
Bakit simplicity ang lesson? Sa paglibot ng aking paningin sa malaking “bahay” ng OP-Siena, naramdaman kong hindi ako para doon – masyadong malaki. Kumbaga sa lalaki, masyadong gwapo para sa akin. Haha. Hindi ko carry. Napagtanto kong simple lang ang gusto ko. Basta. Pero syempre, nagpapasalamat ako’t nagkaroon ako ng pagkakataon matuto at makakita ng pahapyaw ng buhay Dominikana… ^_^
St. Catherine of Siena, pray for us.
