Part 1: EIGHT – Ang Mahiwagang Numero
August 8, 2008 [08/08/2008]
- Araw ng pagpasok ko sa Dominican Sisters of St. Joseph
- Araw ni St. Dominic
- Ang reflection sa Didache ay tungkol kay St. Joseph
- Birthday ni Ate Ana Leonorio
AT isa pa, eight years na simula ng sumali ako sa Charismatic Community at naging choir. Eight years na akong nagse-serve sa simbahan! ^_^
Ang galing, ano?
~~~
Part 2: St. Therese of Lisieux
May 12 – Ibinigay sa akin ni SEF OP ang isang pinatuyong rosas na may tangkay – ang second degree relic ni St. Therese of Lisieux nang minsan dinala rito sa Bulacan ang kanyang relikya.
July 5 3PM – Binigyan ako ni Bro. MBC ng tatlong pulang rosas (fresh roses!) matapos akong manalangin tungkol sa kongregasyong papasukan ko – petition granted (according to the signs from St. Therese)!
July 16 Feast of Our Lady of Mt. Carmel – kinuwento sa akin ni Ate Ana na noong ikalawang araw ng triduum para sa kapistahan, at gayundi’y Healing Mass, nang minsan nanalangin ng Aba Po Santa Mariang Hari (Hail Holy Queen). Hinanap niya ang tinig ng dahil wala na ang commentator. Ako iyong nangunguna; nang mapalingon sa akin kuwento niya, “parang kamukha mo iyong picture ni St. Therese na nakapusod siya, pinanatatanda yung itsura niya para makapasok sa kumbento…”
Lahat ng iyan ay magkakaugnay at ang nagtutulay ay ang mga banal na sina St. Dominic, St. Therese of Lisieux at ang Mahal na Inang Maria. Grabe, ang lakas ko sa kanila! Hehe.
