8:26 PM 7/28/2008
Ngiti. Ngiti ng pagkatuwa, pagkamangha at paghanga. Habang kinukuwento ni SEF kung gaano kahusay ang mga estudyante niyang 2nd year sa Immaculate Conception Minor Seminary, hindi maalis sa aking mukha ang ngiti. Parang nakaka-excite na maging madre, ma-assign sa seminaryo at maging guro ng mga seminarista na ganoon kahuhusay. ^_^
Minsang naging malikhain si Teacher SEF sa pagturo ng lesson sa Religion, gumupit siya ng mga litrato ng iba’t ibang mga bagay na mahalaga sa buhay natin: pagkain, kotse, cellphone, barko, at iba pa. Bawat isang litrato ay ibinigay sa isang seminarista at sila ay inatasang ipaliwanag ang kaugnayan ng litrato sa Liturhiya.
Narito ang mga magagandang bahagi ng dalawang pinakamahuhusay sulatin ng dalawang seminaristang nakakuha ng pinakamatataas na marka:
“With the liturgy with us, we can be transported to eternal life…”
“The liturgy is always with us and it also cannot be taken from us.”
“Without the liturgy, we can be called wanderers in life, wondering and thirsting for God.”
“We must receive the sacraments open-heartedly to appreciate its true meaning, like a car that we should take care of it so that it may last.”
- A Car, A Liturgy by Edrylle C. Dayrit
“Sometimes, if you don’t have a cellphone, you are considered as poor. Well, if you have no faith, you really are poor.” – Liturgy and Cellphone by Allan Geoffrey G. Cruz
O di ba? Maiisip mo bang ganyan ang pagkakaugnay ng kotse at cellphone sa Liturhiya? Nakakatuwa! Mainam ding pagnilayan upang palagian nating maisip na si Kristo sa Liturhiya ay kasama natin sa lahat ng oras, maging sa mga ordinaryong pagkakataon sa ating buhay.
Tunay na ang Panginoon ay gumagabay sa Kanyang mga pinili maging sa kanilang mga murang edad. Nakatutuwang isipin ang kanilang magiging hinaharap bilang mga pari – kung patuloy silang aasa sa Diyos para sa karunungang ibabahagi nila sa lahat.
^_^
Para sa kumpletong sipi ng kanilang mga sulatin, tumungo lamang sa Likhandog.
Related link: Immaculate Conception Major Seminary


