“Sa Iyo lang ako magpapa-alipin. Sa Iyo ko lang iaalay ang aking sarili…”
Panginoong Hesus, ako ay nakikiisa sa ‘Yong walang hanggan
at walang katapusang sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay,
at sa bawat sandali ng bawat araw, ayon sa ‘Yong
pinakabanal at kagalang-galang na Kalooban.Ikaw ang naging alay para sa ‘king kaligtasan,
nais kong ako’y maging alay ng ‘Yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa,
kunin Mo ang aking handog,
malugod mong pakinggan ang aking hinaing.Itulot Mong sa ‘Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa ‘Yong pag-ibig ako mabuhay,
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na Pag-ibig.- Pag-aalay ng Sarili (salin ni Coring Dolor mula sa
Act of Oblation ni St. Therese Couderc)
